99 OFWs mula lebanon at Kuwait, nakabalik na sa Pilipinas

Nakabalik na ng Pilipinas ang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon at Kuwait.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), siyamnapu’t siyam na OFW mula sa nasabing bansa ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dalawampu rito ang mula sa Lebanon, at 79 naman ang galing sa Kuwait.

Ang mga ito ay sinalubong ng mga tauhan ng OWWA sa naturang airport.

Samantala, nabigyan din sila ng tulong tulad ng mga pagkain, transportasyon, at hotel accomodation.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Mababatid na noong nakaraang buwan inabisuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Lebanon na umuwi na ng bansa habang bukas pa ang mga paliparan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.