Kaso ng leptospirosis sa bansa, bumaba na; Pero mga tinatamaan ng dengue, nadaragdagan

Pababa na ang kaso ng leptospirosis sa bansa matapos ang malawakang baha na dala ng Bagyong Carina.

Kasabay nito, pinayuhan ni Department of Health spokesperson Asec. Albert Domingo ang publiko na magpakonsulta na agad sa doktor sakaling lumusong sila sa baha na dulot naman pananalasa ng Bagyong Enteng.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kung bumababa ang kaso sa naturang sakit, iniulat naman ng ahensya ang tumataas na kaso ng dengue sa gitna ng tag-ulan.

Sa kabila umano nito, wala pang local government unit na nagdedeklara ng outbreak.

Samantala, sa mga naitalang kaso naman ng mpox – sinabi ni Domingo na nakalabas na ng ospital sina case number 10 at 11.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Binigyang-diin din nito na hindi dapat matakot ang mga tao na lumabas dahil skin to skin contact naman ang paraan ng pagkahawa sa mpox.

Hanggat naka-longsleeve at pantalon, at naghuhugas ng kamay, maiiwasan aniya ang pagkalat nito.