Bagyong Enteng death toll: 20

Umabot sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Enteng at ng Habagat.

Sa panayam ng Brigada newsFM Manila kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson, Dir. Edgar Posadas sinabi nitong CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng nasawi sa 11 fatalities.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Sa kabila nito, for validation pa rin ang naturang bilang, at posible pang mabawasan, ‘o ‘di kaya nama’y madagdagan pa.

26 naman ang bilang ng mga nawawala at patuloy pa ring pinaghahanap.

Sa ngayon, sinabi ni Posadas na handa ang NDRRMC at nananatiling naka-red alert ito.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Tiniyak din niyang handa ang ahensya sa mga susunod pang bagyo na posibleng pumasok sa Pilipinas.

Kung maaaala, sa situational briefing kahapon kasama si Pangulong Bongbong Marcos, inaasahang may dalawa o tatlong pang mga sama ng panahon na tatama sa bansa.