98% ng mga senior citizens sa Catanduanes, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Nasa 98% na ng mga senior citizens sa islang lalawigan ng Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19 batay sa datus ng Department of Health-Bicol.

Sa tala ng ahensya, nasa 22,886 na mga senior citizens sa Catanduanes ang fully vaccinated na mula sakanilang kabuuang populasyon na 23,456.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kaugnay nito, inanunsiyo rin ng DOH na ang islang lalawigan ang nangunguna sa may pinakamataas na vaccination rate sa buong Bicol region kung saan pumalo na sa 64% ng target population ang nabakunahan sa lugar.

Sinusundan ito ng Sorsogon na may 56%; 55% sa Camarines Sur; 53% sa Albay; may 52% na ang Camarines Norte habang 45% ang accomplishment ng Masbate.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Matatandaang umarangkada na rin nitong nakaraang linggo sa Catanduanes ang “Resbakuna Kids” o ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang.###