DOH-Bicol, inilahad ang mga batayan o parameters sa pag re-rekomenda ng alert level status ng isang lugar sa IATF

BNFM BICOL—Inihayag ni Department of Health, COVID-19 Program Coordinator – Dr. Lulu Ramos Santiago na may mga batayan o parameters ang kanilang ahensya bago irekomenda sa Inter Agency Task Force ang akmang Alert Level Status sa  mga independent at highly urbanized cities and municipalities.

Ayon kay Santiago, kabilang umano sa mga tinitingnan ng kanilang ahensya ang mababang kaso ng COVID-19; utilization rate ng COVID beds na dapat ay hindi na tataas sa 50% at ang vaccination rate ng isang lugar na dapat aniya ay nasa 70% na ng target population.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Dagdag pa nito, isa rin aniya sa mga dapat ikonsidera ang mataas na vaccination rate sa hanay ng mga senior citizens lalo na at ang mga ito ang pinaka vulnerable na mahawaan ng virus.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa huli, sinabi ni Santiago na tanging ang IATF lamang ang may kakayahang mag deklara ng Alert Level status sa isang lalawigan o lungsod.###