Naabot ng gobyerno ang 97% ng target nito para sa ikaapat na national vaccination drive kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base sa huling tala noong Marc 17 ay nasa mahigit 1.8 million doses ang naiturok bilang bahagi ng ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive.
Inihayag ito ni Vergeire kahapon (March 18), na naging huling araw ng naturang programa.

Mababatid na target ng DOH na maiturok ang 1.87 million vaccine doses sa pinakahuling vaccination drive.
Ipinunto naman ni Vergeire na kabilang sa mga nabakunahan sa ikaapat na national vaccination drive ang mga indigenous people na nakatira sa geographically isolated at disadvantaged areas.