Siyamnapu’t limang porsyento ng mga Pilipino ang sasalubong sa taong 2023 nang may pag-asa kaysa sa takot, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations na inilabas kahapon.
Ayon sa SWS, ito ay dalawang puntos na mas mataas sa 93 percent na naitala noong 2021 at katulad ng pre-Covid 96 percent noong 2019.

Napag-alaman sa nationwide survey na isinagawa mula December 10 hanggang December 14 na may 1,200 respondents, na 5 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang may takot sa papasok na bagong taon, bumaba ito ng dalawang puntos mula sa 7 porsiyento noong 2020 at 2021.
Napag-alaman din sa survey na 74 percent ng mga Pilipino ang nagsabing babaguhin nila ang kanilang sarili sa darating na taon, habang 20 porsiyento ang nagsabing wala silang babaguhin.
Ang natitirang 6 na porsyento ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.//CA