Sa kabila ng naranasang kahirapan at iba pang pagsubok sa buhay, ang Pilipinas ang pinakamasayang bansa sa mundo ngayong 2022.
Ayon sa 2022 End of Year Survey ng Gallup International Association , mula sa 34 na bansang sakop ng survey, ang Pilipinas ang nangunguna sa net score na 75%, kasama ang Mexico, Malaysia, Afghanistan, at Ecuador na kumumpleto sa top 5.

Habang ang 39% ng mga Pilipino ay umaasa na ang 2023 ay magiging mas mahusay kaysa sa 2022, may 52% ang nagsasabing magiging pareho lang ito. May 5% ang nagsasabing mas malala ito at 4% ang hindi talaga alam.
Ang Nigeria, Pakistan ang nangungunang 2 most hopeful nations sa mundo, kasama ang Kazakhstan (#3), Pilipinas (#4) at India (#5).//CA