CAMARINES NORTE- Umaabot sa 942 indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa unang dalawang araw nitong linggo, December 12- 13.
Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 operation center as of December 14, 2021.
Sa 942 indibidwal pinakamarami ang nabakunahan sa Mercedes na may 233 na sinusundan ng Labo na may 204 at Paracale na may 202.
Nasa 101 indibidwal naman ang nabakunahan sa bayan ng Jose Panganiban, 97 sa Sta Elena at 68 sa Daet.
Kakaunti ang mga nabakunahan sa nalalabi pang mga bayan tulad ng Basud na may 16, Talisay 12, San Lorenzo 7 at 2 sa San Vicente.
Ang Capalonga at Vinzons ay walang naitalang nabakunahan.
Hanggang ngayong araw na lamang December 16 ang Barangayang Suyod Bakuna na ginawa sa limang bayan.
Gayunman, nauna nang sinabi ng Department of Health at Provincial Health Office na hindi magtatapos ang pagsuyod sa mga barangay ngayong araw.
Matatandaan na sinimulan ang Barangayang Suyod Bakuna noong Nobyembre.
