Paskuhan Village sa bayan ng Mercedes na magsisilbing bagong atraksyon sa lalawigan ngayong kapaskuhan binuksan na

CAMARINES NORTE- Binuksan na kagabi ang bagong atraksyon na maaaring puntahan ng mga pamilya, magkakabarkada at turista ngayong kapaskuhan, ang Paskuhan Village sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na matatagpuan sa Municipal Ground.

Pinangunahan ni Mayor Alexander Pajarillo at Provincial Tourism Officer Mariano “Bong” Palma ang cutting of ribbon na hudyat ng pagbubukas ng Paskuhan Village.

Ito na rin ang grand opening ng Paskuhan Festival sa naturang bayan kung saan mayroong gabi- gabing pagtatanghal na libreng mapapanood simula kagabi.

Pinailawan ang 30 feet giant Christmas Tree sa Jimmy P. Lo Sports Complex na lalong nagpatingkad sa masayang Paskuhan Village at nagkaroon din ng fireworks display.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Tampok din ang mga iba’t- ibang Christmas booth na gawa ng ilang eskwelahan kung saan maaaring magpa- picture.

Ayon kay Mayor Alexander Pajarillo, ginagawa umano ito ng Lokal na Pamahalaan para sa mga Mercedeños lalong lalo na sa mga kabataan upang madama ng mga ito ang diwa ng kapaskuhan.

Sa pamamagitan umano nito ay makakalimutan kahit pansamantala ang mga problemang kinakaharap ng bawat isa.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Hiniling din ng Alkalde  sa Sangguniang Bayan na dagdagan ang pondo sa sususnod na taon para sa naturang aktibidad.

Plano kasi ng LGU na hindi lang sa Poblacion magkaroon ng Paskuhan Village at Festival kundi dalhin na rin ito sa coastal barangays.

Sa huli, binigyang diin ng opisyal na ang pinakadahilan ng pagdiriwang ng Pasko ay dahil kay Jesus.

Ito raw ang dapat ipaunawa ng mga magulang sa mga bata na kaya may pasko ay dahil sa kapanganakan ni Hesukristo.