93 DOLE TUPAD Workers sa bayan ng labo nakatanggap na ng sahod mula sa DOLE

CAMARINES NORTE- Nakatanggap na ng sahod ang 93 DOLE TUPAD Workers sa bayan ng Labo, Camarines Norte

Natanggap yan umaga noong ika-1 ng Hunyo 2023 sa mga barangay ng Calabasa, bagong Silang 3, Mahawanhawan at barangay ng Bagacay.

Tumanggap ng tig-3,650 pesos ang bawat isa kapalit ang 10 araw na community service works sa kanilang barangay

Samantala, sa Bayan naman ng Sta. Elena ay nakatakda ding isagawa sa mga susunod na araw ang payout para naman sa 1,027 benipisyaryo ng nasabing tulong pangkabuhayan para sa Disadvantaged/Displaced Workers

Bahagyang natagalan lamang umano ang pag-schedule ng payout dahil sa iba sa naunang ipinasa ng mga DOLE TUPAD Workers ang pirma kung kaya kinailangan pa ng affidavit bilang patunay na ang benepisyaryo ay iisang tao lamang at ang larawan na “before”, “during” and “after” ng kanilang pagtratrabaho ay hindi tama sa hinihinging dokumento.

Ang mga nabanggit na dahilan ay kasalukuyang dumadaan sa verification ng nasabing tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *