‘Pinangat’ festival ng Camalig, Albay, inaabangan; mahigit 40 aktibidad, inilatag na

LEGAZPI CITY – Inaabangan na sa Camalig, Albay ang pagbabalik ng pamosong ‘Pinangat’ festival matapos matigil nang halos magtatatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mayor Caloy Baldo, inaasahang mas magiging engrande ito dahil mahigit 40 ang kabuuang bilang ng mga aktibidad na gaganapin.

Read More:  2-year-old boy dies in Cebu City; Stepfather arrested over alleged physical abuse

Isa na rito ang kilalang longest line of ‘Pinangat’ eating na isinasagawa sa gilid ng kalsada, grand opening concert kasama ang isa sa mga kilalang banda, ‘Pinangat’-making race challenge at mutya ng Camalig.

Read More:  One dead after car collides with oil tanker in Sibulan, Negros Oriental

Sa ngayon, kanyang iniimbitahan ang mga residente na makilahok sa aktibidad dahil dito maipapamalas ang kultura ng nabanggit bayan.