92.1% ng target population sa Isabela; vaccinated na

Nagpapatuloy ang vaccination roll-out sa lalawigan ng Isabela kung saan umabot na sa 92.1% ng 70% target 2022 population ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon sa datos na inilabas ng Isabela Integrated Provincial Health Office ngayong January 24, 2022, umakyat sa kabuuang 1,004, 372 indibidwal ang naturukan na ng kanilang first dose.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Habang nasa 55.2% o 890,694 indibidwal ang nabakunahan na ng 2nd dose.

Nananatili naman sa 88 na porsyento ang naitalang vaccination consumption sa lalawigan.

Mula sa vaccinated per priority group, 100% ang bakunado na sa frontline health services; nasa 92.1% ang vaccinated sa mga senior citizen; 111.5% naman sa mga may comorbidities.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Tumaas din sa 173% ang nabakunahan na sa A4 o mga essential workers habang 73.1% naman ang nasa A5 o remaining workforce at indigent population.

Habang sa pediatric A3 naman ay nasa 5,160 na ang fully vaccinated, 155,188 sa ROPP at 193,785 na ang bakunado sa mga kabilang sa ROAP.