3 NPA members sa Isabela, sumuko dala ang kanilang armas

Ang pagpapahirap, kagutuman at hindi pagkakaunawaan sa loob ng kilusan ang nag-udyok upang magbalik sa pamahalaan ang tatlong miyebro ng NPA sa Sitio Jet, Rizal, San Guillermo, Isabela.

Sa ipinabatid na impormasyon sa 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa 5th Infantry Division ng Philippine Army, ang mga sumukong NPA ay sina alyas Primo, 49 anyos; alyas Bolitog; 50 anyos at alyas Makaw, 38 anyos na pawang taga-Quirino Province at dating miyembro ng Sub Guerilla Unit ng Komiteng Rehiyon-CagayanValley (KR-CV) ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG).

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kasama rin isinuko ng mga dating rebelde ang kanilang armas na kinabibilangan ng dalawang M16 rifles, dalawang short magazine, tatlong long magazine at 26 na piraso ng 5.56mm ammunition.

Ang tatlong nagbalik loob sa pamahalaan ay narecruit noong October 2019 ng isang alyas Davao na kamakailan ay nasawi rin noong October 2021.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa pamamagitan ng Community Support Program ng 86th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade, ang tatlong dating rebelde ay sumuko at napagpasyahan na tumulong sa gobyerno sa laban kontra insurgency.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni 5th ID Commander MGen. Laurence Mina ang mga rebel returnees sa pagpili na suportahan ang pamahalaan sa halip na ipagpatuloy ang kanilang armadong pakikibaka sa pakikipaglaban para sa mali at mapanlinlang na ideolohiya ng mga makakaliwang pangkat.