91 eskwelahan sa Sorsogon, handa na sa limited face-to-face classes

SORSOGON CITY – Handa na ang aabot sa 91 na paaralan sa lalawigan para sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes, ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd)-Bicol.

Ayon sa DepEd-Bicol, ngayong buwan ng Marso ay handang-handa na ang aabot sa 1K paaralan sa Bicol. Sa paaralang ito, 44 sa Sorsogon ang handa nang makiisa sa expansion phase ng limitadong F2F classes, 29 na paaralan sa Sorsogon City habang may 8 sa pribadong paaralan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag pa ng nasabing Kagawaran, ang mga eskwelahan na magpapatupad ng nasabing scheme ay nakumpirma matapos ang isinagawang Regional Management Committee noong nakaraang buwan.

Ang mga paaralang ito ay pumasa sa School Safety Assessment Tool  (SSAT) alinsunod sa Interim Guidelines on the Expansion of Limited Face-to Face Classes na itinakda ng DepEd Central Office.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Una rito, pinahihintulutan ng DepEd ang progressive expansion ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2 lamang. Mga bakunadong guro lamang ang maaaring lumahok, samantalang bibigyang prayoridad naman ang mga bakunadong mga mag-aaral.

Ito ay upang mabigyan ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral sa F2F classes.