POSD Cauayan City, nakahanda sa inaasahang mas maraming campaign activities ngayong alert level 1

Inaasahan na umano ang mas maraming mga ilulunsad na mga campaign activities sa lunsod ng Cauayan ngayong mas maluwag na ang restriksyon.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya ngayong alert level 1 na ang lunsod ay inaasahan na ito kaya naman patuloy ang kanilang panawagan na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan ang mga coordinator ng mga kandidato.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ayon kay POSD Chief Mallillin, dapat dalawang araw bago ang kanilang aktibidad ay mai-coordinate na ito sa kanila upang mabigyan sila ng security escorts katuwang ang Highway Patrol Group at City Economic Enterprise Management and Development Office (CEEMDO).

Kailangan din aniyang makakuha ng permit mula sa Commission on Elections at ng Lokal na pamahalan ng Cauayan upang maipatupad ang standard protocols ngayong pandemic.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nauna na aniya silang nagsagawa ng orientation sa mga barangay officials sa pangunguna ng COMELEC upang mapanatili ang kaayusan ng pangangampanya ng mga kandidato kabilang na rito ang pagbabawal ng house-to-house campaign.

Sinabi pa ni POSD Chief Mallillin na nakahanda naman ang kanilang tanggapan sa pagpapanatili ng peace and order sa lunsod lalong-lalo sa nalalapit na rin na pormal na pagsisimula ng kampanyahan ng local candidates.