900 mga batang nasa age group na 5-11 nakatakdang bakunahan sa Naga City

NAGA CITY – 900 ang nakatakdang bakunahan sa Naga City na mga edad 5-11 anyos sa unang dalawang araw ng vaccination roll out para sa naturang age group.

Magsisimula ito sa susunod ng linggo, sa araw ng Lunes at Martes na kung saan  ang magiging venue ay ay ang tatlong malalaking malls sa Naga City; SM City, Robinsons Mall at Vista Mall.

Batay sa City Events Protocol and Public Information Office, sa unang araw ang mga target na mabakunahan ay galing sa mga paaralang pambata tulad ng Tabuco Elementary School, na may 51 na bata; Naga Parochial School, 133 na mga bata ; Unibersidad de Sta. Isabel, 58 ; Montessori House of Learning , 55 at Minds That Matter na 150.  Nasa 447 lahat ang allocations ng city para sa unang araw ng bakunahan sa naturang mga batang nasa 5-11 taong gulang.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa Martes naman, napasama naman sa mga babakunahan ay ang mga batang nag-aaral sa Carolina Elementary School at sa iba pang mga pribadong paaralan sa lungsod.

May 453 na mga bata naman ang inaasahan na mababakunahan sa araw na ito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kailangan lamang na mag-online registration ang magulang para sa schedule ng kanilang anak sa pagbabakuna.

Kaugnay nito, una na ring nabanggit ni Alec Santos ng Arts Culture and Tourism Office na ang pagbabakuna na sa ganitong age group ay isa sa nakikita niyang dahilan ng lalo pang pag usbong ng ekonomiya ng lungsod.

Makikita na anya ang mga bata na namamasyal kasama ang kanilang mga magulang sa mga malls, resorts at iba pang pangpublikong lugar sa lungsod dahil sila ay mga vaccinated na laban sa COVID-19.