Fully vaccinated Filipinos, papayagan nang makapasok sa Singapore simula Marso

Papayagan nang makapasok sa Singapore ang mga fully vaccinated Filipinos, simula sa March 4, sa ilalim ng Vaccinated Travel Lane (VTL) program.

Ayon sa Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS), palalawigin nila ang VTL para maisama ang Pilipinas at Israel.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Sa ilalim ng programa, papayagan ang “quarantine-free travel” sa bansa sa pamamagitan ng air transport.

Ang mga ito ay kailangan lang magdala ng proof of vaccination sa kanilang pagbisita, kung saan ang mga magmumula sa Pilipinas, kikilalanin ang COVID-19 vaccination certificate (VaxCertPH) na inilabas ng Department of Health.

Read More:  Leila de Lima eyes libel, cyberlibel decriminalization

Maliban dito, kailangan rin magpresenta ang mga bisita ng negative COVID-19 test result at travel insurance.