9 katao tiklo sa online sabong

SORSOGON CITY – Arestado ang 9 na katao sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng CIDG-Prov’l Field Unit sa Brgy Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, hindi umano awtorisado ang nasabing online sabong kung kaya’t ni-raid ito ng CIDG-Sorsogon katuwang ang Castilla Police, at ilang personahe ng 1st at 2nd Provl Mobile Force Company.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Hindi na nakapalag pa ng dakpin ng mga awtoridad ang mga mananaya na kinilalang sina  Welmor Losano Blazo, 61-anyos, may asawa, residente ng Brgy San Roque; Marlon Millares Sancho, 35-anyos, may asawa; Romer Descarga Doloiras, 49-anyos, may asawa parehong residente ng  Brgy Salvacion; Jesus Babasa Lleva, 38 –anyos, may asawa; Ralph Milan Belen, 31-anyos, binata; Jenard Mariño Banania, 48-anyos, may asawa; Jesus Israel Dawal, 38-anyos, may asawa; Ariel Zapa Madredio, 41-anyos, binate at Jose Ansano Del Ayre, 44-anyos, may asawa lahat naninirahan sa Brgy Cumadcad ng nasabing bayan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang isang yunit ng computer desktop na may speaker at perang taya na nagkakahalaga ng P2, 500.00.

Mahaharap sa kaukulang asunto ang mga suspek.