Inihayag ng Department of Foreign Affairs na umaasa ang maraming Pilipino na lumikas mula sa mga lugar na inaatake ng Russia na matatapos ang opensiba nito sa loob ng 2-3 buwan.
Dahil diyan ay sinabi ng DFA na ayaw nila sumama sa repatriation.
Sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Arriola na nalaman nila na meron 33 Pilipino na lumikas sa Kyiv ang kasalukuyang nasa Lyiv.
Aniya, meron rin iba ang kaalis lang mula sa kabisera ng Ukraine at kasalukuyang papunta rin sa Lyiv.
Tiniyak naman ni Arriola na patuloy silang nakikipag-komunikasyon sa mga Pilipino na tumangging umalis sa Ukraine.
Handa rin ang DFA na magbigay ng ayuda sa mga Pilipino na nasa Lyiv kung kinakailangan.
