84 na airport projects, makukumpleto bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

Inanunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na inaasahang makukumpleto ang 84 na airport projects bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Kasama sa mga proyekto na ito ay ang mga pasilidad sa  Biliran Airport, Hilongos Airport sa Leyte, Cuyo Airport atd Puerto Princesa Airport sa Palawan, Lingayen Airport sa Pangasinan, Tacloban Airport, at Tuguegarao Airport.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinabi ni Tugade na nasa 233 airport projects na ang natapos ngayong buwan kasama na ang konstruksyon ng Bicol International Airport at renovation ng mga paliparan sa Butuan, Siquijor, Catarman, at General Santos City.

Samantala, ipinagmalaki rin ng kalihim na meron 484 na seaport projects, kabilang na ang renovation at construction, ang nakumpleto ngayong buwan.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Una nang inanunsyo ni Tugade na may mga tren para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Projects ng DOTr at Philippine National Railways ang inaasahang darating sa Disyembre.