Covid-19 recoveries sa Bicol patuloy sa pagtaas; mga bagong kaso mas bumaba na

BICOL—Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa Bicol region habang bumabababa naman ang bilang ng mga bagong tinatamaan ng sakit.

Sa pinakahuling tala kahapon, pumalo na sa 36,695 (80.16%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 520 na mga bagong nakarekober.

257 nito ay mula sa Camarines Sur, 133 sa Albay, 86 sa Naga City, tig-15 ang Camarines Norte at Sorsogon, 13 sa Catanduanes at isa sa Masbate.

Samantala, bumaba na ang aktibong kaso ng sakit sa 16.45% o 7,531 dahil sa pagdami ng mga nakakarekober.

Mababa na rin ang bagong kasong nadagdag na umabot na lamang sa 84 kung saan 40 nito ang mula sa Albay. 14 ang mga bagong kaso sa Daraga, walo sa Legazpi City, anim sa Polangui, apat sa Tabaco City, tatlo sa Ligao City at tig-iisa ang Camalig, Guinobatan, Manito, Pio Duran at Sto. Domingo.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

28 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan anim ang mula sa Naga City, tiglima ang Goa at Iriga City, apat sa Lagonoy, dalawa sa Gainza at tig-iisa ang Bato, Buhi, Canaman, Nabua, Ragay at San Jose.

15 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan anim ang mula sa Sorsogon City, tatlo sa Juban at tig-iisa ang Bulan, Castilla, Gubat, Irosin, Magallanes at Sta. Magdalena.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Isa ang bagong kaso sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Basud habang zero new cases ang mga islang lalawigan ng Catanduanes at Masbate. Sa kabuuan ay nasa 45,775 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.

Anim na bagong pagkasawi ang nadagdag kung saan lima nito ay mula sa Albay at isa sa Sorsogon kung kaya sa kabuuan ay pumapalo na sa 1,549 (3.38%) ang death toll ng sakit sa Bicol region.

Sa gitna nito, ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm