LGU Basud puspusan pa rin ang pagbabakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Puspusan pa rin ang ginagawang pagbabakuna ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud kontra COVID- 19.

Kahapon November 9 ay muling nagkaroon ng pagbabakuna para sa first dose ng Moderna at Sinovac at second dose naman ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

Ayon sa LGU patuloy ang kanilang paanyaya sa lahat ng pwede nang magpabakuna na makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay upang malaman kung kailan ang sunod na bakunahan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Batay sa datos ng Lokal na Pamahalaan hanggang noong November 7, 2021 nasa 14, 279 ang total vaccine administered at 6, 539 dito ay fully vaccinated na.

Sa Sinovac na pinakamaraming nabakunahan ay nasa 4,076 ang nakatanggap ng first dose habang 3, 266 ang nakatanggap ng second dose.

Nasa 479 naman ang nakatanggap ng first dose ng AstraZeneca at 467 ang nakapag second dose na.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Umaabot naman sa 1, 392 ang nakatanggap na ng first dose sa Pfizer at 1, 348 ang nabakunahan na ng ikalawang turok.

Sa Moderna ay nasa 1,793 ang nabakunahan na ng first dose at 55 naman ang nakapag second dose na.

Nasa 1, 403 naman ang nakatanggap ng single dose na Johnson & Johnson.