BICOL—Pumalo na sa 46,049 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 82 na panibagong kaso kahapon.
Sa kabila nito ay mas bumaba pa ang aktibong kaso sa 6,824 (14.82%) dahil sa mas mataas na recoveries na nadagdag na umabot sa 104.
Sa pinakahuling tala, 24 ang bagong kasong nadagdag sa Albay kung saan siyam nito ay mula sa Legazpi City, tigtatlo ang Camalig at Sto. Domingo, tigdadalawa ang Daraga, Libon, Pio Duran at Rapu-Rapu at isa sa Tabaco City.
23 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 12 ang mula sa Caramoran, apat sa Bagamanoc, tatlo sa Virac at tig-iisa sa Pandan, Panganiban, San Miguel at Viga.
21 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan walo ang mula sa Naga City, tatlo sa Magarao, tigdalawa ang Del Gallego at Iriga City at tig-iisa ang Buhi, Cabusao, Canaman, Libmanan, Pasacao at Pili.
13 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan anim ang mula sa bayan ng Irosin, apat sa Sorsogon City, dalawa sa Magallanes at isa sa Bulan.
Isa ang bagong kaso sa Masbate na mula sa bayan ng Uson habang zero new case ang Camarines Norte.
Samantala, pumalo na sa 37,624 (81.70%) ang recoveries matapos magtala ng 104 na mga bagong gumaling. 50 nito ay mula sa Camarines Sur, 30 sa Naga City, 11 sa Sorsogon, siyam sa Catanduanes at apat sa Masbate.
Umakyat naman sa 1601 (3.48%) ang death toll matapos magtala ng walong panibagong nasawi kung saan anim ang mula sa Albay at tig- isa ang Sorsogon at Legazpi City.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### |slm