BICOL—Gaya ng ibang mga lugar, irerequire na rin ng local na pamahalaan ng Camalig, Albay ang pagpresenta ng vaccination card ng mga indibidwal na uuwi o magtutungo sa bayan.
Ito ay bahagi ng panibagong panuntunan na inilabas ng LGU hindi lamang sa mga dumarating kundi maging sa mga umaalis o lalabas ng bayan.
Kasabay din sa panibagong panuntunan ang hindi na pagrerequire sa Letter of exemption (LOEs) at travel pass.
Para sa mga unvaccinated at partially vaccinated individuals, kailangan nilang magpresenta ng negative RT-PCR test results.
Sila ay ang mga indibidwal na wala pang natatanggap ng kahit first dose ng COVD-19 vaccine at mga indibidwal na isang dose pa lamang ang o kahit ang mga nakatanggap na ng second dose pero wala pang dalawang linggo mula nang maturukan.
Ang mga konsiderado namang fully vaccinated na hihingan na lamang ng vaccination card ay ang mga indibidwal na nabakunahan na ng second dose dalawang linggo o higit pa ang nakakaraan.
Ang mga uuwing makikitaan ng sintomas ay dadalhin sa Municipal Health Office (MHO) habang ang lahat ng mga dumarating ay obligado pa ring dumiretso sa Camalig Training Center (CTC) screening/holding area para sa profiling, health assessment, at iba pang protocols.### | slm
*not the actual photo