LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Mayor Gemma Ann Ongjoco na walong barangay sa 16 na individual ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease (COVID19) kahapon.
Kabilang sa mga barangay na nagpositibo sa covid 19 ang Barangay San Francisco na may Limang kaso, Banao tatlo, tigdadalawang kaso ang barangay Calzada, Pequeno at San Rafael tig iisang kaso rin sa Lower Binogsacan, Maguiron at Muladbucad Grande.
Ayon kay Ongjoco, karamihan sa mga nagpositibo sa naturang sakit ay mga Government employee, health care workers at iba pa.
Ang mga nagpositibo rin sa kanila ay karamihan din ay mga asymptomatic o mild sa nasabing sakit.
Dahil dito, nasa home quarantine ang ilan sa mga nagpositibo sa covid 19.
Sinabi ng opisyal, na mayroon ng local transmission sa nasabing virus dahil karamihan sa kanilang mga nagpositibo ay mga health care workers sa bayan.