Babae na nakitang patay, positibong ginahasa

Positibong ginahasa ang biktima na si Beberlyn Ampan , tatlong buwang buntis na natagpuang patay at hubo’t-hubad sa Bgy. Sta. Monica lungsod ng Puerto Princesa, Enero 23, 2022.

Ayon kay Lt. Col. Alonzo Tabi spokesperson ng City Police Office, lumabas sa post mortem examination sa labi ng biktima na Asphyxiation secondary to strangulation o sinakal ito kaya nalagutan ng hininga ang biktima.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakitaan rin ng spermatozoa o semilya sa maselang bahagi ng biktima na maaring gawing susi kung kaninong tutugma ang semilya , may mga galos at pasa sa iba’t- ibang bahagi rin ito ng katawan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Bumuo na ng tracker team ang pulisya para agarang maresolba ang kaso.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may kagagawan sa krimen habang hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng biktima.