Lokal na pamahalaan ng Polangui nakiramay sa pamilya ng namayapang bomber matapos rumesponde sa sunog sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Nakikiramay ngayon ang lokal na Pamahalaan ng Polangui sa pamilya at mga mahal sa buhay ng namayapang Bumbero na si SFO1 Ramon Quiapon matapos rumesponde sa sunog sa Barangay Ubaliw bayan ng Polangui Albay.

Ayon kay Mayor Andy Mariscotes ng nasabing bayan, nalulungkot ang buong Polangui at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagkasawi nito matapos tumulong sa pag-aapula ng sunob sa nasabing lugar.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hindi inaasahan na si SFO1 Ramon Sadia Quiapon ay inatake ng kanyang hypertension habang rumiresponde sa sunog na naganap kahapon at Agad na sinugod ito sa Rural Health Unit ng Polangui ngunit sa kasawiang palad ay binawian rin ito ng buhay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Personal na dadalawin ng alkalde ang pamilya ng nasawi sa susunod na mga araw dahil sa hindi matatawaran ang serbisyong inialay ni Quiapon sa ngalan ng pagtupad sa kanyang sinumpaang propesyon.

Saludo ang buong bayan sa kabayanihang kanyang ginawa.

Sinabi ng opisyal, magbibigay ng tulong financial ang LGU para sa naiwanang pamilya.