Umaabot sa 760 guro sa lalawigan ng Camarines Norte ang nabakunahan sa unang linggo ng pagbabakuna sa kanila na nagsimula noong September 20.
Nasa ikalawang linggo na ngayon ang pagbabakuna sa mga guro na pinamamahalaan mismo ng mga nurse ng Schools Division Office na pinayagan ng Department of Health na magbakuna para sa Deped personnel.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo target ng DepEd na mabakunahan ang dalawang daang teaching and non-teaching personnel kada araw.
Mayroong dalawang team of vaccinators and SDO Camarines Norte.
Ang target umano ng DepEd ay isang libong guro ang mabakunahan kada linggo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagbabakuna na ginaganap sa Pandan Elementary School dito sa Daet.
Importanteng mabakunahan ang mga guro bilang paghahanda na rin sa pilot implementation ng limited face to face classes.
Pero hindi muna ito papayagan ng Provincial Incident Management Team dahil na rin sa patuloy nab anta ng COVID- 19.
Patuloy kasing naitatala ang pagtaas ng kaso sa ngayon.
(Photo: SDO Camarines Norte)
