CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 99, 158 ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay ito sa datos ng Department of Health hanggang nitong September 28, 2021.
Gayunman mababa pa rin ito dahil nasa 16 % pa lamang ng 440, 581 na target ang nababakunahan.
Nasa 12 % naman dito ay fully vaccinated na.
Nasa 56 % sa target na 43, 229 sa A2 priority group o senior citizen ang nabakunahan habang 54 % ang fully vaccinated na.
Sa priority group A3 naman o senior citizen ay nasa 61 % na ng 37, 838 na target ang nabakunahan at 44 % dito ang fully vaccinated.
Mababa pa ang vaccination coverage sa priority group A4 o frontline personnel in essential sector na nasa 5 % pa lang ng target na 191, 000 at 1% ang fully vaccinated.
Samantala, inihayag naman ni Dr. Rita Mae Ang Bon, DOH Bicol COVID- 19 vaccine coordinator na hinihintay pa nila ang guidelines para sa pagbabakuna sa general population kasama na ang mga bata ngayong Oktubre.
Kasunod yan ng naging pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Ayon kay Bon kailangang hintayin ang ilalabas na guidelines para sa rollout ng vaccination sa general and pediatric population.
May pakiusap rin ito sa mga naghihintay pa rin ng bakuna hanggang sa ngayon.
Paliwanag ni Bon na bagamat marami na rin ang dumarating na bakuna sa rehiyon ay hindi pa rin ito sapat para i- cover ang target population.
Aniya nasa 4. 3 milyong indibidwal ang target na mabakunahan sa buong Bicol pero ang dumarating pa lang na bakuna sa ngayon ay nasa 1.7 million doses na para sa first dose at second dose.
Ibig sabihin nasa 850, 000 pa lang ang maaaring ma cover nito.
