Para makahanap ng mapapangasawa nagrenta si Al Gilberti ng billboard upang ianunsiyo na naghahanap siya ng pag-ibig.

Ngunit isa lang ang requirements niya sa magiging soon to be wife niya, dapat ay mahilig ito sa karaoke.
Nakalagay sa naturang billboard ang kanyang edad na Seventy years old, single, at residente ng Sweetwater, Texas, USA.
Ayon kay Al naging epektibo naman ang kanyang strategy dahil matapos ang dalawang linggong naka-install ang billboard ay nakatanggap siya ng mahigit 400 tawag sa telepono at 50 emails na nag-aapply para maging asawa niya.
Marami aniya sa mga nag-i-inquire ay nag-iisip na mayaman siya.
Karamihan ay nag-aakalang may mapapakinabangan sa kanya.
Sinabi ni Al na kapag ang nag-i-inquire sa kanya ay nagtatanong tungkol sa pera, hindi na niya ito ini-entertain.
Pero handa rin aniya siyang maghanap ng makakapareha sa labas ng USA para lang matagpuan ang kanyang perfect match.