7 taong gulang na Russian, nakakapagsalita ng tagalog matapos manood ng isang teleserye

NAMANGHA ang mga netizen online nang makita ang isang post ng isang Russian citizen na kung saan ni-reveal na natutong magsalita ng Tagalog ang 7-taong gulang na bata.

Ayon sa kaniyang post sa X, sinabing umabot sa 16 plus episode ng isang vampire series na La Luna Sangre ang pinanood ng bata sa kaniyang ipad na nagresulta ng pagsasalita ng Tagalog.

“Please don’t give your children iPads. One of my nieces, a 7-year-old who has never been outside of the Caucasus, began speaking Tagalog.” –naging caption niya sa kaniyang tweet.

Hindi na rin ito bago sa atin dahil dito naman sa Pilipinas ang ilan sa mga chikiting ay natututong mag-english sa panonood din ng mga movies at mga cartoon series sa kanilang mga cellphone. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *