7 mga bata na pinaglaruan ang mga itinapong ‘medical waste’ sa Virac, Catanduanes nagpositibo sa rapid-antigen test

BNFM  BICOL—Kinumpirma ng kapitan sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Virac, Catanduanes na pitong mga bata ang nagpositibo sa ‘rapid antigen test’ matapos umano ng mga itong paglaruan ang mga itinambak at itinapon na medical waste sa baybaying bahagi ng nasabing lugar.

Ayon kay Barangay Chairman- Anthony Arcilla, apat na mga batang lalaki at tatlong batang babae ang minabuti nilang isailalim sa nasabing COVID-19 test matapos mapag-alaman na pinaglaruan ng mga ito ang mga gamit nang heringgilya, mga tubes na may lamang blood sample; mga gamit nang PPEs at rapid antigen test.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matapos lumabas ang resulta na positibo ang mga ito sa nasabing pagsusuri, agad ang mga itong isinailalim sa isolation at nakatakdang isailalim  sa RT-PCR confirmatory test.

Matatandaang nitong Enero 23, ay natagpuan ng mga opisyal sa naturang barangay ang mga naturang infectious waste na pinaniniwalaang itinapon ng isa sa mga laboratoryo sa Catanduanes.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ng konseho ng Barangay Concepcion na kakasuhan nila ang laboratoryo salig sa RA 9003 o Solid Waste Management Act, RA 6969 o Control Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Act, at RA 856 o Sanitation Code of the Philippines.###