7 mga bagong kaso ng COVID-19 sa bicol, pawang naitala sa Camarines Sur

BNFM BICOL—Pitong mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region kahapon, araw ng Huwebes.

Batay sa tala ng Department of Health, ang mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon ay pawang nagmula sa lalawigan ng Camarines Sur, kung saan tag-tatlong kaso ang bayan ng Del Gallego at Ragay habang isa naman ang mula sa bayan ng Baao.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, zero new case o wala namang naitalang bagong kaso ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Sorsogon at Masbate, daan upang sumampa na lang sa 634 ang aktibong kaso ng sakit sa Bicol mula sa kabuuang 59,031 na mga kumpirmadong kaso.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Umakyat rin sa 55,998 ang bilang ng recoveries makaraang madagdagan ng 51 mga bagong gumaling habang 12 naman ang mga naidagdag sa pagkasawi na sa ngayon ay umabot na sa kabuuang 2,399.###