BNFM BICOL—Ilang araw nang hindi nakakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes daan upang manatili sa 3,188 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya.
Batay sa datus ng Provincial Health Office as of March 29, 2022, mula sa nasabing numero ng mga naitalang kaso ng sakit sa isla, tanging dalawa na lamang sa mga ito ang aktibong kaso na pawang mula sa bayan ng Virac.
Samantala, nasa 3,054 na rin ang bilang ng mga gumaling o recoveries habang nananatili sa 132 ang death toll ng sakit sa probinsya.
Sakabila ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa lugar, madiin pa ring ipinapaalala ng PHO sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols at bigyang proteksyon ang sarili sa pamamagitan ng pagpapabakuna.###