CAMARINES NORTE- Ibinababa na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pinakamababag Alert Level ang dalawang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte simula ngayong araw, April 1 hanggang 15 ng taong kasalukuyan.
Ito ay ang capital town na Daet at ang pinakamaliit na bayan sa lalawigan, ang San Vicente na nakapagtala na ng mataas na immunization coverage, habang ang sampung bayan ay mananatili sa Alert level 2.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center nakapagtala ang Daet ng 81. 05 % immunization coverage mula March 2021 hanggang March 30, 2022.
Nasa 63, 039 ang total first dose, 69, 467 ang total second dose (kasama ang Janssen), 11, 041 Janssen.
Habang ang bayan naman ng San Vicente ay mayroon nang 93. 64 % vaccination coverage.
Nasa 7, 534 ang total first dose, 7, 942 ang total second dose (kasama ang Janssen) 956 janssen.
Una nang sinabi ng Provincial Health Office at ng Department of Health na isa ang vaccination coverage sa pinaka salik ng pagbababa ng Alert Level.
Sa ilalim ng Alert Level 1 ay papayagan na ang 100 % capacity sa lahat ng restaurant mapa- indoor o outdoor venue.
Maaari na ring mag operate sa full capacity ang public transportation
Papayagan na rin ang Intrazonal at Interzonal travel para sa lahat ng edad at kahit ang mga may comorbidities.
Magiging optional na ang paggamit ng plastic o acrylic barriers at dividers sa mga establisymento, at ang paggamit ng digital contact tracing applications.
Maging ang work from home arrangement ay magiging optional na rin.
