7 health centers sa Koronadal, nakatanggap ng medical equipment

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng mga medical equipment ang mga health centers ng pitong barangay sa Koronadal mula sa Department of Health Regional Office 12.

Kabilang sa mga equipment na natanggap ng mga ito ay dressing cart, examining light, revolving stool, stethoscope adult, BP apparatus, at cervical inspection set/vaginal speculum set na nagkakahalaga ng halos 500,000 pesos.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang nasabing mga kagamitan ay bahagi ng programang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH na may layuning mapabuti ang mga pasilidad at mabigyan ng access ang mga tao sa dekalidad na medical care.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samantala, ipinaabot naman ng city government ang pag-apruba ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa hiling ng lungsod para sa dagdag na bakuna kung saan nakakuha ang LGU ng 11,700 na Pfizer at 10,000 na Moderna vaccines.