5 paaralan sa Region 12, naghahanda na sa face-to-face classes

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ang paghahanda ng Department of Education o DepEd Region 12 para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa limang mga public schools sa rehiyon sa November 15.

Kabilang sa mga ito ang Bato Elementary School sa Makilala at Paco National High School sa Kidapawan City, North Cotabato; Ned National High School sa Lake Sebu, South Cotabato; Nelmida Elementary School sa Koronadal City; at Aspang Elementary School sa General Santos City.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon kay DepEd 12 Regional Director Carlito Rocafort na inihahanda na ng mga paaralan ang sistema at mga kakailanganing requirements para sa traditional classroom-based classes sa gitna ng COVID 19 pandemic.
Ang mga napiling paaralan ay nasa mga lugar na maituturing na low risk sa COVID 19.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang face-to-face classes ay limitado lamang kung saan covered nito ang Kinder hanggang Grade 3 levels sa elementary at Grade 11 at 12 sa secondary level.