Lalaki, nasawi matapos bumangga ang sinasakyang motor sa poste ng kuryente

Dead-on-arrival ang isang 19-anyos na lalaki sa Barangay Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya matapos bumangga ang minamahenong motorsiklo sa isang bakal na poste ng kuryente.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang nasawi na si Bhenson Wayne Cabuyadao Gines, at residente ng Barangay Nagbitin sa bayan ng Villaverde.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga pulis na patungo sa hilagang direksiyon ang bikitima na binabaybay ang Provincial Road.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nang dumating sa pinangyarihan ng insidente, bigla na lamang sumalpok ang kaniyang sasakyan sa nakatayong poste sa kanang bahagi ng kalsada.

Sa lakas ng impak neto, nagtamo ang nasawi ng matitinding pinsala sa katawan na nagresulta ng kaniyang kamatayan.