BICOL—Umaabot na sa 68% ng kabuuang 1,287,230 doses ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Bicol region ang naiturok na sa iba’t-ibang priority groups.
Katumbas ito ng 875,298 doses administered kung saan 652,425 nito ang sa first dose habang 222,873 ang sa second dose.
Base sa pinakahuling Vaccine Statistics ng Department of Health (DOH) Bicol Center for Health Development, umaabot na sa 457,672 ang completely vaccinated individuals.
Kabilang dito ang nasa 222,873 na mga nabakunahan sa second dose at ang 234,799 na mga naturukan ng one shot Janssen vaccine. Mayroon namang nasa 417,626 na naghihintay ng kanilang schedule para sa second dose.
Pinakamataas na porsyento ang nabakunahan na sa A1 o mga health workers na nasa 150%. Sumunod ang A2 o mga senior citizens na mayroong nang 42%, A3 o individuals with comorbidity na may 32%, A4 o uniformed personnel na may 1% at Other priorities na may 0.08%.### || slm