Kinasuhan ng hindi pinangalanang babae si American rapper Snoop Dogg, dahil sa akusasyon nitong sexual assault at pambubugbog, nang dumalo umano ang complainant sa isa sa kanyang concerts noong 2013.
Ang civil lawsuit ay inihain noong Feb. 9, ilang araw bago ang nakatakdang performance ni Snoop Dogg sa Super Bowl halftime show, kasama ang iba pang hip-hop artists.
Ang babae na kinilala lang si Jane Doe at inilarawan bilang dancer, model, host at actress ay sinasabing nagtrabaho kay Snoop Dogg.

Nakasaad sa lawsuit na inihain sa Central District of California, na pumasok umano ang rapper sa bathroom na ginagamit ng babae, at pinilit itong magperform ng malaswa. //MHEL PACIA-TRINIDAD