Patay sa sunog ang two-time 2019 SEA Games underwater hockey silver medalist na si Johanna Lim Uy na naganap sa Quezon City.
Sinabing kasama ni Uy, 42-anyos, ang kaniyang ina na si Helen, 67-anyos, na nasawi rin matapos na hindi makalabas sa natutupok nilang bahay sa Barangay Mariana noong Miyerkules ng hapon.
Ipinagluksa naman ng mga atleta at Philippine Sports Commission ang pagpanaw ni Uy at ang kaniyang ina.

Matatandaan na napanalunan ni Uy ang dalawang silver medal sa women’s 4×3 at women’s 6×6 events sa underwater hockey competition noong 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas. //MHEL PACIA-TRINIDAD