63 million na Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Inanunsyo ng Malacañang na fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mahigit 63 milyong Pilipino, isang taon matapos ang pagsisimula ng vaccination roll-out sa bansa.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na umabot sa kabuoan na 63,219,221 na katao ang nakakumpleto na ng kanilang primary vaccine series nitong Lunes, February 28.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nasa mahigit 135.74 million vaccine doses naman ang na-administer nationwide

Kasama na rito ang mahigit 68.8 million na indibidwal na nakatanggap na ng first dose, at mahigit 10.2 million na tumanggap na ng booster shots matapos nilang maabot ang three to six month requirement.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mababatid na nasa mahigit 225 million vaccine doses na ang Pilipinas mula noong February 28 ng nakaraang taon.

Unang nakatanggap ng donasyon na bakuna ang Pilipinas mula sa Chinese government, at agad naman itong nagamit sa unang roll-out noong March 1, 2021.