Nagbanta ang Office of the Solicitor General na magsasampa ito ng kaso laban sa Commission on Elections kung hindi nito ibabasura ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng poll body at ng news website na Rappler sa pagbibigay ng mga impormasyon na may kinalaman sa halalan sa May 2022.
Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na unlawful ang pagbibigay ng MOA sa Rappler, na isang foreign entity, ng access sa confidential data kaugnay sa registered voters at ng kapangyarihan na magdesisyon sa eleksyon.
Dagdag ni Calida, “problematic” ang mga probisyon ng MOA kung saana ay tila na-e-enroach nito ang mga kapangyarihan at karapatan ng Comelec.
Ipinunto ng Solicitor General na base sa kasaysayan ng Rappler, ay nagpapakalat ito ng hindi beripikado, at kung minsan, ay maling claims.
Binigyan naman ng OSG ang Comelec hanggang March 4 para i-rescind ang MOA, dahil kung hindi ay maghahain ito ng kaso sa korte para ideklara ang pagpapawalang bisa ng MOA pagdating ng March 7.
