90 million na vaccionation goal, maabot sa katapusan ng second quarter ayon sa NTF

Naniniwala si National Task Force chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na kaya ng bansa na maabot ang goal nito na mabakunahan kontra COVID-19 ang 90 million na Pilipino sa katapusan ng second quarter.

Inihayag ito ni Galvez matapos nitong kumpirmahin na umabot na sa mahigit 63 million na Pilipino ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Umaasa rin si Galvez na pagsapit ng katapusan ng taon ay magagawa ng bansa na makapag-administer ng tinatayang 72.16 million na booster shots.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Target ng gobyerno na i-fully vaccinated ang 77 million Pilipino kontra COVID-19 sa katapusan ng Marso at 90 millon naman oras na bumaba si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kapangyarihan sa June 30.