Ospital ang bagsak ng isang 62 anyos na si Franky Madia y Lara matapos tagain sa Barangay Culandanum Bataraza Palawan.
Nakilala ang suspek na si Allan Madia y Fortunato, 35 anyos na pamangkin ng biktima.
Sa imbestigasyon ng Bataraza PNP, bandang alas-diyes kagabi nangyari ang pananaga habang ang biktima ay nasa waiting shed ang biktima kasama ang asawa at anak nitong babae malapit sa kanilang bahay.
Bigla umanong sumugod na may dalang itak ang suspek at nasa impluwensya ng alak bago pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan si Franky.
Nagawang makatakbo ng biktima at kanyang asawa’t anak bago siya dinala sa Bataraza District Hospital.
Samantala, isa sa tinitingnang motibo para gawin ang krimen ay tungkol di umano sa lupa.