LGU Daraga at MHO, magsasagawa ng mobile lab at clinic sa tatlong barangay ngayong araw

LEGAZPI CITY – Isasagawa ngayong araw ang Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC) sa tatlong Barangay sa bayan ng Daraga.

Papangunahan ng Local Government Unit (LGU) Daraga at Municipal Health Office (MHO) ang aktbidad sa Barangay Bigao, San Rafael, at San Vicente Grande.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Layunin nito na makapagbigay ng libreng serbisyong medikal at dental sa mga mahihirap na residente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nais ng alkalde ng Daraga na mailapit sa Daragueño ang healthcare services lalo na sa mga walang kapasidad na magpacheck-up at laboratory tests dahil sa problemang pinansyal at kahirapan rin na bumyahe patungo sa malapit sa ospital.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa nito, maraming barangay na rin ang natulungan na residente o mamamayan sa nasabing programa.