LEGAZPI-Arestado ang isang lalaki na nag tulak di umano ng ilegal na droga, matapos na mahulihan ng isang “plastic bag” na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 6, Sioco St. Brgy. Quinale lungsod ng Tabaco.
Base sa impormasyon na nakalap ng mga tauhan ng Tabaco CPS/City Drug Enforcement Unit, talamak di umano sa pagtutulak ng iligal na droga sa nabanggit na siyudad ang naaresto na nakilala sa pangalang Dante Baraquile Bonto, 54 anyos at residente ng P-6, Sto. Cristo ng nasabing lungsod.
Sa tulong ng PDEA ROV-RSET; 3rd Platoon, 2nd APMFC; at Albay Maritime Police Station ay hindi na nakapalag pa ang suspek ng maaktuhan ng mga awtoridad sa katransaksyon nitong pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang (1) selyadong “plastic bag” na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng halagang Php 60, 000.00. Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag ng Section 5, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.