Hepe ng Kawit MPS na natakasan ng 3 preso, sibak!

CAVITE – Sinibak sa puwesto ang chief of police ng Kawit, Cavite matapos na matakasan ng tatlong preso mula sa kanilang detention facility sa Barangay Potol bandang alas-6:30 ng gabi noong Linggo.

Ayon kay Brig. Gen. Eliseo Cruz, police regional director ng CALABARZON, si Maj. Joel Palmares ay ni-relieve sa puwesto at inaasahang mahaharap sa administrative charges.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Tinanggal rin sa posisyon ang guard on duty na si S/Sgt. Ryan De Guzman.

Itinalagang Officer-in-Charge si P/Inspector Mark Atienza Englatera.  

Una rito ay nakapuga ang mga presong sina Tristan Antonio, 19-anyos; Rhino Ortega 27-anyos at Jon-Jon Portez, 22-anyos, matapos na sirain ang padlock ng kanilang detention cell.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong iligal na droga, pagnanakaw at carjacking.

Nahuli na si Ortega habang patuloy pang pinaghahanap ngayon sina Antonio at Portez.