55 winning party-list groups, pormal nang naiproklama

Pormal nang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 55 winning party-list groups, na ookupa sa 62 seats sa House of Representatives.

Kaugnay nito, ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) ang nanguna sa mga partylist, kung saan mabibigyan sila ng tatlong upuan sa 19th Congress, matapos makakuha ng 2,111,091 votes.

Ang mga grupong 1-Rider Partylist, Tingog, 4PS, Ako Bicol, at Sagip naman ang pumangalawa hanggang sixth spot, kung saan may tig-dalawang seats sila sa Kamara.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Samantala, ang mga grupo naman na may tig isang pwesto ay ang mga sumusunod:

Ang Probinsyano; Uswag Illonggo; Tutok to Win; Cibac; Senior Citizens Partylist; Duterte Youth; Agimat; Kabataan; Angat; Marino; Ako Bisaya; Probinsyano Ako; LPGMA; API; Gabriela; CWS; Agri; P3PWD; Ako Ilocano Ako; at Kusug Tausug.

May alokasyon rin na isang seat ang An Waray; Kalinga; Agap; Coop Natco; Malasakit@Bayanihan; BHW; GP Party; BH; ACT Teachers; TGP; Bicol Saro; Dumper PTDA; Pinuno; Abang Lingkod; PBA; OFW; Abono; Anakalusugan at Kabayan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Pasok rin sa listahan ang Magsasaka; 1-Pacman; Using Pinoy; TUCP; Patrol; Manila Teachers; Aambis-Owa; Philreca; Alona at Voice of voters.

Samantala, batay sa NBOC Resolution No. 005-22, ang botohan mula sa Shanghai, China, na mayroong 1,991 registered votes, ay hindi na makakaapekto sa resulta at ranking ng mga winning candidates ng party-list groups.

Una nang sinuspende ng Comelec ang overseas absentee voting sa Shanghai, dahil sa nagpapatuloy na lockdown dulot ng COVID-19 outbreak.